--Ads--

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang isinagawang turn over of command ng bagong pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa Upi, Gamu, Isabela

Ito ay matapos na palitan ni BGen. Gulliver Señires si outgoing commander MGen. Audrey Pasia.

Ito ay alinsunod sa kaniyang compulsary retirement sa kaniyang pagsisilbi ng mahigit 30 years sa military.

Siya ay pinalitan ni BGen. Gulliver Señires na mula sa 702nd Infantry Batallion kung saan pinangunahan ng Commanding General ng Philippine Army na si Lt. General Roy Galido ang Change of Command.  

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa dating Commander ng 5th ID na si Mgen. Audrey Pasia sinabi niya na sa kaniyang pagbitiw sa pwesto ay inaasahan niya na maipagpapatuloy ang mga programa ng dibisyon pangunahin na ang pagsugpo ng insurhensiya.

Aniya, personal niyang kilala ang bagong commander kaya naniniwala siya na ipagpapatuloy nito ang kaniyang nasimulan dahil iisa umano sila ng pangarap at adhikain para bayan.  

Pinayuhan naman niya si BGen. Señires na laging makipag-ugnayan sa mga stakeholders at sa mga nasasakupan nito dahil ang laban para sa kapayapaan ay hindi lamang laban ng mga kasundaluhan kundi laban ng bawat Pilipino.  

Samantala, target naman ng bagong comamnder ng 5th ID na mawakasan ang ensurhensiya sa lalawigan ng Isabela hanggang sa matapos ang taong 2024.

Aniya, mayroon na lamamg siyang nalalabing anim na buwan para isakatuparan ito kaya naman makatutulong kung ipagpapatuloy umano niya ang nasimulan ni BGen. Pasia.  

Sa kaniyang pag-upo ay kinakailangan umano nilang mag-change ng mindset lalo na at hindi na lamang internal security ang kanilang tututukan kundi pati na din ang pag-shift nila bilang territorial defenders para madepensahan ang territorial security ng bansa.  

Malaking hamon naman aniya ito para sa kanilang hanay dahil hindi na lamang nakatuon ang kanilang pansin sa armed conflict kundi pati na din sa pagpalakas ng depensa ng bansa.