CAUAYAN CITY– Dinakip ang isang drayber dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang drug buybust operation na isinagawa sa Jones, Isabela.
Ang dinakip ay si Johnson Villanezo, 33 anyos, may asawa, tsuper at residente ng Barangay Balluarte Santiago City.
Sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Inteligience Branch, Jones Police Station at Philippne Drug Enforcement Agency (PDEA) ay umaktong pusher buyer ang isang asset ng pulisya at habang isinasagawa ang traksaksyon ay napatunayan na nagbebenta ng shabu si Villanezo.
Nakuha sa pag-iingat ni Villanezo ang isang pakete ng hinihinalang shabu na ibebenta sana niya sa asset at P/500.00 buybust money.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Sonny Lopez na ang Newly identified drug pusher na si Villanezo ay nagtungo lang umano siya sa naturang bayan dahil sa sabong at hindi sa pagbebenta ng Droga.
Kasalukuyan pa rin namang inaalam kung gumagamit si Villanezo ng droga o nagbebenta lang ito.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Santiago City Police Station 2, kanilang sinabi na hindi kabilang sa kanilang listahan si Villanezo sa mga tokhang respondents.




