--Ads--

Malaking tulong sa mga negosyante sa Region 2 ang tuluyan nang pagkakaroon ng extension office ng Securities and Exchange Commission o SEC sa lungsod ng Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, information officer ng LGU City of Ilagan, sinabi niya na dahil sa bagong extension office ay magkakaroon na ng mas convenient access ang publiko.

Matatagpuan ang bagong extension office ng SEC sa Capital Arena sa Brgy. Alibagu kung saan ayon kay Ginoong Bacungan, ito ay pansamantala lamang dahil nangako na ang pamahalaang panlungsod ng lupa na pagtatayuan ng sariling gusali ng SEC.

Ike-cater ng tanggapan ang mga negosyo sa rehiyon sa pamamagitan ng pagfacilitate ng mga corporate registrations, pagproseso sa mga complaiints, at pagtiyak ng compliance ng mga negosyante sa mga reportorial requirements.

--Ads--

Aniya ipinatayo ang extension office sa City of Ilagan dahil sa pagkakatala ng Cagayan Valley ng pinakamataas na regional domestic product o GRDP growth na 6.18% na nahigitan pa ang national growth rate.

Makakatulong aniya ito sa pag-unlad ng mga negosyuo, proteksyon ng mga investors at economic growth sa Region 2.

Ang mga opisina ng SEC ay sa Metro Manila at Baguio pa kaya sa pagkakaroon ng tanggapan sa Region 2 ay lahat din ng offers ng SEC ang kanilang ike-cater.