--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipagpapatuloy ng bagong Force Commander ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company ang mga nasimulan ng dating commander ng naturang Mobile Force Company.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, tiniyak ni PLt.Col. Dennis Pamor, bagong force commander ng 2nd IPMFC na ipagpapatuloy niya ang mga naiwang programa ng pinalitan niyang si Lt.Col. Sherwin Cuntapay na ngayo’y hepe na ng Cauayan City Police Station.

Pangunahin na rito ang Project Villaflor na dulong Barangay na ng Lunsod ng Cauayan kaya may mga residente na naging supporter ng New People’s Army o NPA.

Nagpatayo sila ng patrol base sa naturang lugar at katuwang ang pamahalaang lunsod at iba pang ahensya ng pamahalaan ay namigay sil ng portable water supply dahil ito ang isa sa nakita nilang pangangailangan ng mga tao.

--Ads--

Kung magiging maganda aniya ang resulta nito sa loob ng tatlong buwan ay aayusin na rin ang tangke ng tubig sa naturang barangay para maging maganda ang suplay ng tubig.

Noong nakaraang linggo ay nagkaroon din sila ng dalawang araw na training sa naturang lugar sa pangunguna ng DOST na may kaugnayan naman sa paggawa ng mga produktong mula sa saging.

Ayon kay PLt.Col. Pamor, mula sa Poblacion ng lunsod ng Cauayan ay isa at kalahating oras ang biyahe at kapag umuulan ay mas mahirap pa ang biyahe dahil hindi pa sementado ang daan kaya ito ang susunod nilang proyekto.

Bukod naman sa Villaflor, Cauayan City ay may mga platoons at patrol base din silang nakakalat sa iba pang munisipalidad sa lalawigan na kanilang nasasakupan.

Kinabibilangan ito ng Reina Mercedes, Cabatuan, San Mateo, Alicia, Ramon, Cordon, Jones, San Agustin, Dinapigue, Luna, San Guillermo, lunsod ng Cauayan, Echague at San Isidro.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt.Col. Dennis Pamor, bagong force commander ng 2nd IPMFC.