--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan na ang bagong gusali ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Manuel.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO3 Eddie Taguinod, Officer-In-Charge ng BFP San Manuel, sinabi niya na halos isang taon din ang inabot bago matapos ang konstruksyon ng bagong BFP building.

Aniya, nasa 7.5 million pesos ang nagastos sa gusali na pinondohan ng national Bureau of Fire Protection headquarters.  

Ang lupa naman na kinatatayuan ng bagong gusali ay donasyon mula sa lokal na pamahalaan ng San Manuel.  

--Ads--

Ang dating tanggapan ng BFP San Manuel ay nakapwesto sa isang opisina sa local government unit ng San Manuel at hindi ito nakadisenyo para sa isang fire station dahil masikip lamang ang kanilang espasyo.  

Isa sa nakikita nilang kagandahan ng bagong gusali ay mayroon itong maluwag na garahe para sa mga fire truck.