--Ads--

CAUAYAN CITY- Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang bagong talagang opisyal ng barangay sa Doña Paulina, San Isidro, Isabela

Ang nahaharap sa kaso ay si Barangay Kagawad Joel Lapitan, 35 anyos, residente ng Doña Paulina, San Isidro, Isabela.

Si Lapitan ay nagtapos sa Community Base Rehablitation Program (CBRP) noong hindi pa siya nakaupo sa puwesto at nangakong magbabago subalit namonitor ng mga kasapi ng San Isidro Police Station na hindi nagbago sa kabila na nanalo sa halalang pambarangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Senior Inspector Reynaldo Junio, hepe ng San Isidro Police Station, maaaring pera umano ang dahilan kung bakit bumalik si Lapitan sa pagebebenta ng illegal na droga.

--Ads--

Nagulat din anya ang punong barangay ng Doña Paulina dahil sa hindi nila inaasahan na bumalik sa illegal na gawain ang bagong upong opisyal ng barangay.