Maituturing na ‘Optimum Solution’ ang bagong Guidelines na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon sa pasuspinde ng klase.
Matatandaan na sa inilabas na DepEd order ng ahensya ay ibabase na sa Tropical Cyclone Wind Signal level ang suspension ng bawat baitang kung saan tanging ang mga klase lamang sa kindergarten ang kanselado sakaling nakataas ang TWCS 1 na dati ay sakop nito ang elementary at high school level.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Benjo Basas, Chairman ng teachers Dignity Coalition, sinabi niya na ito ay tugon ng kagawaran sa ilang kritismo na kanilang natanggap hinggil sa dating guidelines ng class suspension.
Sa pamamagitan ng bagong Deped order ay nabibigyan din ng kapangyarihan ang mga School heads na mag-suspend ng klase depende sa sitwasyon.
Gayunpaman, bubusisiin pa rin umano nila ng maigi ang implementasyon nito at umaasa siya na hindi na maulit pa ang mga naging problema sa nakalipas.