--Ads--

CAUAYAN CITY- Ibinida ng Cauayan City Agriculture Office ang mga bagong makinaryang makatutulong at magagamit sa pagsasaka at pag-aayos ng mga lupain ng mga magsasaka sa lungsod ng Cauayan.

Sa pagpapahayag ni Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist, ipinaaalam niya sa publiko na mayroon nang kabuoang 2209 farm machineries at equipment ang lungsod.

Nito lamang buwan ng Mayo ay dumating naman ang isang grader, at isang backhoe na pwedeng gamitin para sa mga farm to market roads at iba pang posibleng pwedeng gamitan sa pagsasaka.

Ibinida pa ng ahensya na sa tulong ng mga makinarya, Noong nakaraang taon ay mayroong 18.9 kilometers ang nagawang farm to market road na mayroong 271,564,000 pesos na pondo, dahil dito, nagdagdag naman ang ahensya ng makinarya na posibleng gamitin pa sa paglalayong mapaganda ang daan ng mga magsasaka papunta at palabas ng kanilang mga bukirin.

--Ads--

Bukod sa makinarya, nakatanggap din ngayong taon ng 75Million pesos ang DA batay sa GAA 2025 fund upang tutukan ang pagpapaganda ng 5 kilometers na Farm to Market Road.

Dagdag pa ni Engr. Nakapagtala na ngayon ng 827 owners at may kabuoang 2,209 machieneries at equipment na rehistrado sa Cauayan City, ibig sabihin, marami nang makinarya na ginagamit para makatulong sa magsasaka.