Pag-aaralan ng Partido Liberal na pinamumunuan ni yumaong Rep. Edcel Lagman kung sino ang pormal na hahalili bilang Pangulo ng partido.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Former Ifugao Congressman Teddy Baguilat Jr., Secretary General ng Liberal Party na sa ngayon si Atty. Erin Taniada ang Executive Vice President ng Liberal Party ang pansamantalang humalili kay Lagman.
Idinagdag pa niya na magsasagawa sila ng National Executive Council Meeting pagkatapos ng Midterms Election para talakayin kung sino ang susunod na magiging pinuno ng Liberal Party.
Samanatala, nagbahagi ng ilang impormasyon ni Dating Senator Leila Delima sa magiging takbo ng burol ng yumaong mambabatas.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kaniyang sinabi na mananatili ang labi ni Rep. Lagman sa Mt. Carmel Church sa New Manila hanggang ngayong araw , bukas Feb. 2 hanggang Feb. 4 ay iuuwi ang kaniyang labi sa Tabaco Albay, Feb. 5 ay dadalhin ito sa House of Representatives kung saan mag kakaroon ng tribute, hapon ng Feb. 5 ay ibabalik ito sa Mt. Carmel Church, Feb 10 ang funeral mass na susundan ng internment sa Loyola, Marikina City.
Kaugnay nito, inilarawan niya si Rep. Lagman bilang huwarang haligi ng partido na may tapat na pagseserbisyo sa taumbayan.
Kilala si Rep. Lagman sa mga boses na sumasalungat sa Pamahalaan pagdating sa pagsusulong ng karapatan pantao.








