--Ads--

Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang mga magiging bagong flood control projects na isasagawa sa ilalim ng kanilang departamento ay sasailalim sa close monitoring at susuguruhing susunod sa tamang proseso at plano.

Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, kung gagawa man muli ng mga panibagong plano para sa mga flood control projects ay tiniyak nitong ito ay babantayan at magagawa ng tama kung saan binigyang diin ng kalihim na kasama ang Iligan sa mga gagawan ng mga proyekto.

Nakaranas kasi ng matitinding pagbaha nitong Bagyong Basyang ang lalawigan ng Iligan kung saan nakapagtala ito ng limang nasawi bunsod ng mabilis na pagtaas ng baha sa lugar.

Maliban dito, nangako din si Dizon na gagamitin ang pagkakataong ito para sa pagpaplano ng tama para sa taong 2027 ay mauumpisahan na ang pagbuo ng mga proyekto at istrukturang kailangan ng mamamayan lalo sa mga flood prone areas.

--Ads--

Samantala, batay sa monitoring ng kaniyang tanggapan, maliban sa Iligan ay nangangailangan rin ng mga flood control projects ang mga lalawigan ng Cagayan de Oro, Cotabato at Maguindanao na pawang maraming naberipikang mga flood prone areas.

Magugunita naman na sa nilagdaan na proposed 2026 budget ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay mayroong P2.49 bilyong piso na nakalaan para sa maintenance at operating expenses sa mga existing flood control and drainage systems