--Ads--

DAVAO CITY- Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuan sa Lanzona Subdivision, Matina Aplaya, Davao City, kahapon, alas-5 ng hapon, March 20, 2025.

Inilagay ang sanggol sa isang paper bag na nakakabit pa ang pusod.

Ayon sa naiwang liham, ang pangalan ng bata ay ‘Brian Drake’ at siya ay ipinanganak noong Marso 20 ng taong ito.

Sa katunayan, humingi ng paumanhin ang nang-iwan sa bata dahil hindi na raw niya kayang buhayin ang bata.

--Ads--

Gayunpaman, nasa mabuting kalagayan na ngayon ang bata at inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nag-iwan sa kanya.