--Ads--
CAUAYAN CITY- Nauwi sa trahedya ang biyahe ng mag-asawa matapos maipit at maputol ang paa ng kanilang sanggol sa kadena ng kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Agoho Esperanza, Masbate Province.
Ayon sa ulat, aksidenteng sumayad at pumulupot sa kadena ng sinasakyang motorsiklo ang lampin ng sanggol habang kandong ito ng kanyang ina.
Mabilis na kinain ng kadena ang lampin kaya nasama ang mga paa ng sanggol.
Agad na namatay ang sanggol na magdadalawang linggo pa lang matapos ipanganak noong December 14, 2024.
--Ads--