--Ads--

Magsisimula na ngayong araw ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair o BPSF na isasagawa sa City of Ilagan Sports Complex at Isabela National High School na magtatagal hanggang bukas, araw ng Linggo.

Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga Filipino.

Inihayag ni Deputy Speaker Antonio “tonypet” Albano sa pulong balitaan na nasa Tatlumput anim na ahensya ng pamahalaan ang lalahok sa nasabing fair at maaaring mag avail ng serbisyo ang mga lalahok na hindi na kailangan pang pumunta sa ibang lugar.

Ang mga nais lumahok ay kailangan munang mag register online na magsisilbing batayan na sila ay kwalipikado na mag-avail ng mga government services.  

--Ads--

Sa ngayon ay nasa 100,000 na ang mga registered Isabelenos kaya inaasahan ang pagdagsa ng mga sasakyan sa Lungsod.  

Bilang paghahanda ng Pamahalaang lungsod ng Ilagan ay inatasan ni Mayor Josemarie Diaz ang mga traffic at parking management na magsagawa ng rerouting upang hindi gaanong maapektuhan ang daloy ng trapiko.  

Ayon kay Deputy Speaker Albano, inaasahan ang mahabang pila sa nasabing fair kaya kailangan na habaan ang pasensya dahil ilan lamang ang mga staff na ipapadala sa BPSF para mag accomodate ng nasa higit 100,000 na Isabeleno.