CAUAYAN CITY- Puntirya ng Department of Science and Technology ( DOST ) na mailunsad ang mga panibagong satellite ng Pilipinas bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña ng DOST na una na nilang inilunsad sa Kalawakan noong Abril 2016 ang Diwata 1, isang micro-satellite na kumukuha ng larawan o kalagayan ng bansa at noong Oktobre 2018 ay inilunsad naman ang Diwata 2.
Bukod dito ay nakapaglunsad na ang Pilipinas ng kauna-unahang Nano Satellite na Maya 1.
Ang mga makukuhang impormasyon ng mga inilunsad na satellite DA, DENR at DND.
Ayon kay Kalihim Dela Peña, puntirya nilang mailunsad sa kalawakan ang pinabagong satellite ng Pilipinas na Diwata 3 bago matapos ang 2020 o sa unang bahagi ng 2021 habang ang Maya 2 ay puntiryang maglunsad bago matapos ang pangasiwaang Duterte.
Nagtatayo na rin ang DOST ng dalawang receiving centers ng satellite sa Visayas at Mindanao.
Nagsasanay na rin ang DOST ng mga pilipino para maging space engineer at mangangasiwa sa mga satellites ng Pilipinas.