--Ads--

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dean Darlene Berberabe bilang bagong Solicitor General kapalit ni Menardo Guevarra.


Ito ay matapos tanggapin ni Marcos ang isinumiteng courtesy resignation ni Guevarra.


Bago italaga bilang bagong solicitor general, si Berberabe ay dean ng University of the Philippines’ (UP) College of Law.
Nagsilbi rin si Berberabe bilang chief executive officer ng Pag-IBIG fund noong 2010.


Magugunita na naging kontrobersyal si Guevarra matapos itong tumanggi na maging kinatawan ng pamahalaan sa kasong isinampa sa Korte Suprema kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

--Ads--


Iginiit noon ni Guevarra na ang kanyang pinagsisilbihan ay ang interes ng mamamayang Pilipino.

Samantala, nanumpa na rin si Mr. Jose Ramon Aliling bilang bagong Kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Si Aliling ang pumalit sa pwesto ni Sec.Rizalino Acuzar matapos tanggapin ang kaniyang courtesy resignation ni Pang. Marcos.

Una nang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na bago sa DHSUD si Aliling dahil sya ang naging in-charge sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing o 4Ph program at ang Pasig Bigyang Buhay Muli project.

Siya ang President and CEO ng Jose Aliling Construction Management Group of Companies at ang pinaka batang President ng Construction Management Association of the Philippines at unang awardee ng The Outstanding Young Men of the Philippines for Civil Engineering.