Magoofer ng mga panibagong kurso ang bagong unit ng Isabela State University o ISU Santiago Extension Campus sa bahagi ng Brgy. Rizal.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Boyet Batang, bagong President Elect ng ISU System at kasalukuyang Vice President For Academic Affairs ng ISU sinabi niya na nasa apat na kurso ang iaalok sa ISU Extension Unit.
Ito ay kinabibilangan ng Bachelor of Science in Law Enforcement Administration, Bachelor of Science in Agriculture, Bachelor of Science in Information Technology-Major in Web & Mobile Applications at Bachelor of Science in Information Technology-Major in networking and security.
Matatandaan, pinasinayaan ang naturang campus nitong Martes, March 25, 2025.
Mag-uumpisa naman first semester ang dalawang kurso pangunahin ang Bachelor of Science in Law Enforcement Administration, Bachelor of Science in Information Technology-Major in Web & Mobile Applications at Bachelor of Science in Information Technology-Major in networking and security.
Tig-isang section muna aniya ito bilang trial kung marami ang mag-eenroll dahil sa mga naunang kurso ay marami namang nag-enroll kung saan umabot sa dalawang section.
Tiniyak naman ng bagong President Elect na dekalidad ang kanilang ibibigay na edukasyon sa mga mag-aaral ng ISU Santiago Extension Campus.