--Ads--

Napanatili ng bagyong Ada ang lakas nito habang ito ay palayo sa kalupaan at patungo sa karagatan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa may 380 kilometers
East of Casiguran, Aurora at may lakas na hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.

Tinanggal na rin ng PAGASA ang mga nakataas na tropical wind signal dahil ito ay palayo na sa kalupaan.

Dagdag pa ng PAGASA na isang dahilan ng paghina ng bagyo ay dahil sa malakas na hangin dulot ng amihan.

--Ads--

Inaasahang kikilos pa-hilagang-silangan ngayong araw ang bagyong ADA bago ito mag-loop sa dagat sa silangan ng Luzon.

Patuloy hihigupin nito ang northeast monsoon ang tuyong hangin na inaasahang magdudulot ng unti-unting paghina ng bagyo.

Maaaring ma-downgrade ang ADA bilang low pressure area pagsapit ng Miyerkules, Enero 21, bago tuluyang malusaw.