--Ads--

Nadagdagan pa ang mga lugar na itinaas sa signal number 2 dahil sa bagyong Basyag.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ,na bahagyang humina ang bagyo habang ito ay papalapit sa Surigao del Sur.

Nakita ang sentro ng bagyo sa bahagi ng Jabonga, Agusan del Norte

May taglay na lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugso ng 90 kph.

--Ads--

Nakataas parin sa Tropical Cyclone Wind signal number 2 sa timog na bahagi ng Leyte, Southern Leyte, Bohol, ang gitna at timog na bahagi ng Cebu, Siquijor, Negros Oriental, at ang timog na bahagi ng Negros Occidental, Dinagat Islands, Surigao del Norte, ang hilagang bahagi ng Surigao del Sur, Agusan del Norte, ang hilagang bahagi ng Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, ang hilagang bahagi ng Bukidnon, at ang silangang bahagi ng Misamis Occidental.

Signal number 1 sa bahagi ng timog ng Occidental Mindoro, timog ng Oriental Mindoro, Romblon, hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands, at ang timog na bahagi ng Masbate.

Ang timog na bahagi ng Eastern Samar, timog na bahagi ng Samar, Biliran, natitirang bahagi ng Leyte, natitirang bahagi ng Cebu, natitirang bahagi ng Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, at Antique.

Ang natitirang bahagi ng Surigao del Sur, natitirang bahagi ng Agusan del Sur, hilagang bahagi ng Davao Oriental, hilagang bahagi ng Davao de Oro, hilagang bahagi ng Davao del Norte, gitnang bahagi ng Bukidnon, Lanao del Norte, natitirang bahagi ng Misamis Occidental, Lanao del Sur, silangan at gitnang bahagi ng Zamboanga del Norte, hilagang at gitnang bahagi ng Zamboanga del Sur, at hilagang-silangang bahagi ng Zamboanga Sibugay.

Sa forecast tract ng bagyo nagland fall ito kaninang madaling araw at kasalukuyan ng nasa kalupaan.

Habang pagdating ng Sabado ng umaga ay dadaan sa karagatan ng Sulu bago mag-iiba ng direksyon sa Palawan ng hapon o gabi ng Sabado.

Tuluyan itong hihina pagkatapos ang landfall kung saan inaasa