--Ads--

CAUAYAN CITY– Walang naging epekto ang bagyong Betty sa mga watershed areas at sa water level ng Magat dam sa Ramon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Eng’r. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS na dahil walang pag-ulan sa mga watershed areas ay patuloy ang pagbaba ng water elevation ng dam na nagpapakawala ng tubig sa mga irigasyon para sa pagtatanim ng palay ng mga magsasaka.

Ang magiging epekto aniya ng mababang water elevation ng dam ay ang pagtatakda ng schedule ng pagpapatubig.

Ayon kay Engr Dimoloy, kung nakapagtanim na ang mga magsasaka ay maaari na nilang bawasan ang ipinapadaloy na tubig sa mga irigasyon.

--Ads--

Ang water elevation ngayon ng Magat Dam ay 172.35 meters na kung aabot sa 160 ay may areas nang maapektuhan tulad ng Baligatan area dahil hindi na maaabot ng tubig..

Nakipag-ugnayan na sila sa Kagawaran ng Pagsasaka o DA region 2 hinggil sa pagsasagawa ng cloud seeding operation. Inihayag umano ni Regional Executive Director Narciso Edillo na pinaglalanan na nila ito ng pondo.

Pinayuhan ni Engineer Dimoloy ang mga magsasaka na magtipid ng tubig at kung napatubigan na ang kanilang sakahan ay isara muna para mabigyan ng pagkakataon ang ibang magsasaka na patubigan ang kanilang palayan.

Eng’r. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS.