--Ads--

CAUAYAN CITY – Ang Bagyong Carina na may International Name na GAEMI ay mabagal na umuusad o halos hindi gumagalaw ngayon sa Philippine Sea.

Mas lumakas pa ito at isa nang severe tropical storm at inaasahang lalakas pa ito bilang TYPHOON Category habang patuloy na tinutumbok ang Ryukyu Islands sa Southern Japan at Eastern China.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 420 km East of Tuguegarao City, Cagayan.

Lumakas pa ito taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 100 kph at pagbugsong umaabot sa 125 kph. Almost stationary o hindi ito halos gumagalaw sa direksyong north northwestward.

--Ads--

Dahil ito ay ay itinaas na sa Wind Signal No. 1 ang eastern portion ng mainland Cagayan pangunahin ang Santa Ana, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Lal-Lo, Gonzaga at ang northeastern portion ng Isabela pangunahin ang Divilacan, Palanan, Maconacon.

Base sa track and intensity forecast ng weather bureau, ang bagyong Carina ay inaasahang magpapatuloy sa pahilagang kanluran na galaw nito at bahagyang liliko pahilaga sa araw ng myerkules. Tuluyan naman itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa huwebes at dadaan ito sa Ryukyu archepelago at tutumbukin ang Eastern China.

Dahil sa bagyong Carina asahan ang mga malalakas na alon sa eastern at western seaboards ng Central at Southern Luzon kaya pinapayuhan ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot.

Asahan na rin ang malalakas na pag-ulan sa eastern portion ng Cagayan at Babuyan Islands habang asahan din ang pag-ulan sa mainland Cagayan at northeastern portion ng Isabela.

Patuloy namang nakakaapekto ang Southwest Monsoon sa malaking bahagi ng ating bansa na pinapalakas o hinahatak ng bagyong Carina.