--Ads--

Bahagyang lumakas ang Tropical Depression “Crising” habang patuloy na kumikilos pa-hilagang kanluran sa karagatang silangan ng Bicol Region.

Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA bandang alas-10 ng gabi, ang sentro ng bagyong Crising ay namataan sa layong 615 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes o 630 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon (12.7°N, 129.8°E).

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 km/h malapit sa gitna at may bugso na hanggang 70 km/h. May central pressure ito na 1000 hPa habang kumikilos sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h. Napalalawak ng bagyo ang malalakas na hangin hanggang sa 280 kilometro mula sa gitna nito.

Mga Lugar na nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1:

--Ads--

Sa Luzon, asahan ang banta ng malalakas na hangin sa mga sumusunod na lugar:

Southeastern Cagayan: Gattaran, Baggao, Peñablanca, Eastern Isabela: Maconacon, Divilacan, Palanan, Dinapigue

Ibang bahagi ng Isabela: San Pablo, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Echague, Jones, San Agustin, Naguilian, Cauayan City, Angadanan, Gamu, Cabagan, Reina Mercedes, Northeastern Aurora: Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Northeastern Quirino: Maddela

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat sa posibleng pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mababang lugar at bulubunduking bahagi. Patuloy na mag-monitor sa mga abiso ng PAGASA at sundin ang mga direktiba ng lokal na pamahalaan.