--Ads--

Mas lumakas pa ang bagyong “Crising” at isa na ngayong tropical storm habang kasalukuyang nasa layong 335 km silangan ng Echague, Isabela o 325 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80km/h. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20km/h.

Dahil dito, isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern at eastern portions ng Isabela (Palanan, Ilagan City, Divilacan, Delfin Albano, Quezon, Tumauini, Maconacon, Santa Maria, Cabagan, San Pablo, Santo Tomas, San Mariano, Dinapigue), Apayao, northern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal), northern portion ng Abra (Malibcong, Lacub, Lagangilang, Licuan-Baay, Danglas, Lagayan, San Juan, Tineg, La Paz, Dolores), Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait)

Signal no. 1 naman ang natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, natitirang bahagi ng Abra, Benguet, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, northern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, San Manuel, Tayug, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Laoac, Binalonan, San Jacinto, Manaoag, Mangaldan, Dagupan City, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, Bugallon), northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora), northeastern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan), Polillo Islands, Camarines Norte, Catanduanes, at northeastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Presentacion, Tinambac, Siruma, Goa)

--Ads--

Inaasahang magpapatuloy sa hilagang-kanlurang direksyon ang galaw ni Crising sa loob ng susunod na 24 oras. Posibleng mag-landfall ito sa mainland Cagayan o Babuyan Islands ngayong hapon o gabi.

Pagkatapos nito, tatawirin nito ang hilagang bahagi ng Northern Luzon bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng hapon o gabi. Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa si Crising at magiging isang Tropical Storm sa loob ng 12 oras.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag at maghanda laban sa posibleng malalakas na pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng babala ng bagyo.