
CAUAYAN CITY – Nagdulot ng maganda ang pagpasok ng bagyong Emong sa bansa dahil nakaranas ng mga pag ulan sa nasabing lalawigan na ilang linggo nang hindi nakakaranas ng ulan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Roldan Esdicul, sinabi niya na nararanasan sa lalawigan ang mga pabugsu-bugsong pag ulan at walang malakas na hangin.
Aniya maganda ang idinulot ng bagyong Emong sa lalawigan pangunahin na sa mga magsasaka dahil matagal nang hindi umuulan doon.
Umaaasa naman ang mga mamamayan ng Batanes na hindi magtatagal ang pag ulan dahil tiyak na maaapektuhan na naman ang sektor ng agrikultura na kakasimula lamang sa pagtatanim.
Sa kabila ng hindi gaanong kalakasang ulan ay nakahanda pa rin ang PDRRMO Batanes sa anumang emergency at nakablue alert pa rin ang kanilang status upang paghandaan ang maaaring idulot ng bagyong Emong.










