--Ads--

Mas bumilis ang galaw ng Bagyong “Emong” at inaasahang tatama ngayong umaga sa Ilocos Sur o sa hilagang bahagi ng La Union. Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng Bangar, La Union.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 120 km/h malapit sa gitna at may lakas ng bugso na hanggang 165 km/h. Kumikilos ito pa-northeast sa bilis na 20 km/h.

Dahil dito, nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa southwestern portion ng Ilocos Sur (Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin, Alilem, Sugpon, Suyo) at sa northern at central portions ng La Union (Bangar, Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, City of San Fernando, Bauang, Sudipen, Santol, Caba, Aringay, San Gabriel, Bagulin, Naguilian, Burgos).

Signal No. 3 naman sa southern portion ng Ilocos Norte (Laoag City, San Nicolas, Sarrat, Dingras, Solsona, Nueva Era, City of Batac, Marcos, Paoay, Currimao, Banna, Pinili, Badoc), sa nalalabing bahagi ng Ilocos Sur at La Union, western portion ng Apayao (Conner, Kabugao, Calanasan), Abra, western portion ng Kalinga (Balbalan, Pasil, Tinglayan, Lubuagan), western portion ng Mountain Province (Besao, Tadian, Sagada, Bauko, Sabangan, Bontoc, Sadanga), western portion ng Benguet (Sablan, Mankayan, Tuba, Bakun, Kibungan, Kapangan, La Trinidad, Tublay, Baguio City, Atok), at northern portion ng Pangasinan (Lingayen, Bugallon, Infanta, Dagupan City, San Fabian, Binmaley, Labrador, Sison, Pozorrubio, San Jacinto, Mangaldan, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, San Carlos City, Aguilar, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Mabini, Dasol, Burgos, Agno, Anda).

--Ads--

Sakop naman ng Signal No. 2 ang nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Pangasinan, northern portion ng Zambales (Masinloc, Candelaria, Palauig, Iba, Santa Cruz), nalalabing bahagi ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern at western portions ng Isabela (Cordon, City of Santiago, Ramon, San Isidro, Alicia, San Mateo, Cabatuan, San Manuel, Luna, Aurora, Burgos, Roxas, Quirino, Mallig, Delfin Albano, Quezon, Cabagan, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Santo Tomas, Tumauini, Gamu, Ilagan City, City of Cauayan, Reina Mercedes, Naguilian), northwestern portion ng Quirino (Diffun), western at central portions ng Nueva Vizcaya (Kayapa, Santa Fe, Ambaguio, Aritao, Bambang, Bayombong, Villaverde, Solano, Bagabag, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, Quezon, Diadi), northwestern portion ng Nueva Ecija (Nampicuan, Cuyapo, Talugtug, Lupao, Carranglan, Guimba), at northern portion ng Tarlac (Mayantoc, Santa Ignacia, Gerona, Pura, Ramos, Anao, San Manuel, Moncada, Paniqui, Camiling, San Clemente).

Samantala, Signal No. 1 ang nakataas sa natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis), natitirang bahagi ng Nueva Ecija, natitirang bahagi ng Tarlac, western at central portions ng Pampanga (Porac, Floridablanca, Angeles City, Mabalacat City, Magalang, Mexico, Bacolor, City of San Fernando, Santa Rita, Guagua, Arayat, Lubao, Santa Ana), nalalabing bahagi ng Zambales, at northern portion ng Bataan (Dinalupihan, Hermosa, Morong).

Batay sa forecast track, inaasahang muling magla-landfall ang sentro ng Bagyong Emong ngayong umaga sa Ilocos Sur o La Union. Matapos nito, tatawid ito sa bulubunduking bahagi ng Northern Luzon at lalabas sa Babuyan Channel bago magtanghali. Pagkatapos ay kikilos ito pa-northeast at inaasahang dadaaan malapit o sa mismong Babuyan Islands sa pagitan ng tanghali at hapon, at maaaring dumaan malapit sa Batanes ngayong hapon o gabi. Maaaring mapanatili ni Emong ang kanyang lakas sa oras ng landfall, bagama’t may posibilidad ng bahagyang paghina dulot ng interaksyon sa kalupaan ng northwestern Luzon. Inaasahan na ang unti-unting paghina ng bagyo ay magpapatuloy sa mga susunod na araw.

Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga nasa ilalim ng mga signal warnings, na maghanda laban sa posibleng pagbaha, pagguho ng lupa, at malalakas na hangin. Patuloy na mag-monitor sa mga abiso ng PAGASA at lokal na awtoridad para sa kaligtasan.