--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang paglapit ng bagyong Gener sa bahagi ng Northern Luzon.

Batay sa 5:00pm update ng DOST-PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 290km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70km/h. Kumikilos ito pa hilagang kanluran sa bilis na 10km/h.

Sa kasalukuyan nakataas pa rin ang signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

--Ads--

Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, and the northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta, Real) including Polillo Islands.

Batay sa latest forecast track ng weather bureau, maglalandfall ang bagyo sa bisinidad ng Isabela o Aurora ngayong gabi o bukas ng madaling araw at lalabas sa coastal waters ng La Union o Pangasinan bukas ng tanghali.

Magpapatuloy ang pakanlurang kilos nito hanggang makaabot sa West Philippine Sea hanggang lumas ng Philippine Area of Responsibility sa Myerkules ng hapon (September 18).

Kapag nasa WPS na ito ay maaring lumakas sa tropical storm category sa araw ng Myerkules.

Manatiling nakaantabay sa Bombo Radyo Cauayan at sa DOST-PAGASA sa mga susunod na updates.