--Ads--
Lumakas pa ang Bagyong Gorio habang tinutumbok ang Eastern Taiwan.
Nakataas na ngayon ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Itbayat, Batanes dahil sa bahagyang paglakas ng bagyong Gorio habang nanatili sa signal number 1 ang nalalabing bahagi ng Batanes.
Nakita ang sentro ng bagyo sa may 165 kilometers Northeast ng Itbayat, Batanes.
May taglay pa rin na lakas ng 140 kilometers per hour at pagbugso ng 160 kph.
--Ads--
Inaasahan na lalabas na Philippine Area of Responsibility ang bagyong Gorio sa hapon ng Miyerkules, Agosto 13 at mag-lalandfall ito sa Taiwan ng umaga rin ng parehas na araw.











