Bahagyang bumilis ang kilos ng Typhoon Julian na tinutumbok ang Southern Taiwan.
Huling namataan ang centro nito sa layong 275 km west northwest ng Itbayat, Batanes o sa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 165km/h at pagbugsong aabot sa 205 km/h. Kumikilos ito panorthward sa bilis na 15km/h
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes, Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is.), northern at western portions ng Ilocos Norte (Bangui, Burgos, Pagudpud).
Batay sa forecast track ng pagasa, liliko pa northwestward ang bagyong Julian at inaasahang mag-lalandfall ito sa Southwestern Coast ng Taiwan bukas ng madaling araw. Matapos nitong maglandfall sa landmass ng Taiwan ay inaasahan nang hihina dahil sa tinatawag na frictional effects.