--Ads--

Napanatili ng bagyong Kristine ang lakas nito ngunit bumilis ang pagkilos ito pawest northwestward sa kanlurang karagatan ng Northern Luzon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 km West Northwest of Bacnotan, La Union. Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 115km/h. Kumikilos ito pakanlurang hilagang kanluran sa bilis na 25km/h.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone win signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:

Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, the northern portion of Cavite (Ternate, Maragondon, Naic, Tanza, City of General Trias, Rosario, Cavite City, Noveleta, Kawit, Imus City, Bacoor City), the northern portion of Rizal (Cainta, Taytay, Angono, San Mateo, Rodriguez, Tanay, City of Antipolo, Baras, Teresa, Morong), and the northern portion of mainland Quezon (General Nakar)

--Ads--

Nasa signal number 1 naman ang Batanes, the rest of Rizal, the rest of Cavite, Batangas, Laguna, the rest of Quezon including Polillo Islands, Occidental Mindoro including Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, the northern portion of mainland Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran, San Vicente) including Calamian, Cuyo, and, Kalayaan Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, the northern and central portions of Sorsogon (Castilla, Magallanes, Pilar, Casiguran, Donsol, Juban, Gubat, City of Sorsogon, Prieto Diaz, Bulan), and the northern and central portions of Masbate (City of Masbate, Uson, Dimasalang, Mobo, Cawayan, Aroroy, Balud, Mandaon, Milagros, Baleno) including Ticao and Burias Islands

Sa bahagi ng Visayas, nasa signal number 1 ang Aklan, Capiz, Antique including Caluya Islands, and the northwestern portion of Iloilo ((Lambunao, Calinog, Bingawan, Janiuay, City of Passi)

Sa pagtaya pa ng state weather bureau mas lalong lalakas ang bagyo habang ito ay patungo sa West Philippine Sea at mananatili itong nasa severe tropical storm sa susunod na limang araw. Magpapatuloy ang west northwestward na direksyong tatahakin ng bagyo sa susunod na 48 oras bago ito tuluyang lumabas sa Philippine Area of Responsibility.

SAMANTALA Isang pang weather disturbance ang namataan sa silangan ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Region na nagbabantang maging bagyo na tatawaging Leon.

Kaugnay nito, paglabas ng PAR ng bagyong Kristine ngayong Biyernes ng hapon ay posibleng magpaikot-ikot ito sa may West Philippine Sea at maaaring bumalik ng PAR sa araw ng Linggo o Lunes depende sa epekto dito ng LPA na nasa silangan ng Mindanao na inaasahang magiging tropical depression sa susunod na 24 oras.

Maaari rin umanong muling lumakas si “Kristine” habang nasa ibabaw ng WPS.