--Ads--

Lumakas pa ang bagyong Kristine at isa nang tropical storm habang nasa Philipine Sea at patuloy sa pagkilos pakanluran.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Kristine sa layong 390 km East of Virac, Catanduanes. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65km per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80km per hour.

Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 15km per hour.

Lumawak naman ang mga lugar na nakataas sa signal no. 1 na kinabibilangan ng The eastern and central portions of mainland Cagayan (Piat, Santo Nino, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Enrile, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Santa Ana, Tuguegarao City, Gattaran, Peñablanca, Iguig, Lasam, Aparri, Allacapan),  Isabela, Quirino, the southern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda), Aurora, the eastern portion of Rizal (Tanay, Pililla, Jala-Jala), the eastern portion of Laguna (Majayjay, Magdalena, Pila, Santa Cruz, Pagsanjan, Luisiana, Cavinti, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac, Nagcarlan, Liliw), the northern and eastern portions of Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres, General Nakar, Pitogo, San Francisco, Calauag, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Lucena City, Lucban, City of Tayabas) including Polillo Islands, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, and Masbate including Ticao Island and Burias Island.

--Ads--

Signal no. 1 din ang Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, and Southern Leyte

Sa Mindanao, signal no. 1 din ang Dinagat Islands and Surigao del Norte including Siargao – Bucas Grande Group

Batay sa forecast ng weather bureau patuloy na lalakas sa mga susunod na araw ang bagyo habang ito’y umuusad sa Philippine Sea at inaasahang magiging typhoon bago ito mag-landfall sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan sa Biyernes.

Ngayong araw magdadala na ng pag-ulan ang naturang bagyo sa Quezon, Bicol, at Eastern Visayas, habang ang trough nito ay maaaring magdulot ng sama ng panahon sa Metro Manila, natitirang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, Sulu Archipelago, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

Bagamat malayo pa ito sa kalupaan ay nakakaapekto na sa ilang bahagi ng bansa ang mga kaulapang dala nito.

Sa ngayon ay umaabot na ang kaulapan nito sa Southern Luzon at Visayas na inaasahang magdadala na ng mga pag-ulan at thunderstorms na maaaring magdulot din ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaasahang patuloy na susungit ang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa Luzon dahil sa patuloy na paglapit at paglakas pa ng bagyo na nagbabadya pa ring manalasa sa Northern Luzon sa mga susunod na araw.