--Ads--

CAUAYAN CITY – Lumakas at isa nang Severe Tropical Storm ang bagyong Kristine.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ramil Tuppil, ang Chief Meteorologist ng DOST – PAGASA Echague, Isabela, sinabi niya na Severe Tropical Storm Kristine huling namataan sa layong 175 km silangan ng Echague, Isabela.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 km/h.

Kumikilos ang bagyo pahilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.

--Ads--

Dahil sa paglakas ng bagyo ay nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signals Number 3 sa Isabela, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, central portion ng Abra partikular sa Malibcong, Licuan-Baay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney, Tubo, Luba, Manabo, Bucay, Villaviciosa, Pilar, San Isidro, at bayan ng Pe, ang lalawigan ng Benguet, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Aurora partikular sa Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, at bayan ng Baler, ang  northern portion ng Nueva Ecija partikular sa Carranglan, Lupao, San Jose City, at Pantabangan, ang lalawigan ng Pangasinan, La Union, at central at southern portions ng Ilocos Sur.

Signal Number 2 naman sa Ilocos Norte,  nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, Apayao, nalalabing bahagi ng Abra, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng Aurora, nalalabing bahagi ng Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.

Signal Number 1 naman sa Batanes, Batangas, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Calamian Islands, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao and Burias Islands, Aklan, Capiz, Antique kabilang Caluya Islands, Iloilo, Guimaras, northern portion ng Negros Occidental, northern portion ng Negros Oriental, ang northern at central portions ng Cebu kabilang ang Bantayan Islands at Camotes Islands, Bohol, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group.

Ngayong gabi o madaling araw bukas posibleng magland fall ang bagyo sa lalawigan ng Isabela.

Pinayuhan naman ni Ginoong Tuppil ang mga nasa bahaing lugar, mga malapit sa dagat, at mga nasa landslide prone area na maging alerto at lumikas kung kinakailangan.