--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagyang bumilis pa ang Bagyong Kristine at napanatili ang lakas nito habang binabaybay ang karagatan sa silangang bahagi ng Aurora Province.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, batay sa Tropical Cyclone Bulletin Number 11 ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 200 km silangan ng Casiguran, Aurora o 255 km silangan ng Baler, Aurora.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 km/h malapit sa gitna ng bagyo at pagbugsong aabot sa 105 km/h.

Kumikilos ito pahilaga hilagangkanluran sa bilis na 30 km/h.

--Ads--

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, at ang northeastern portion ng Sorsogon.

Signal Number 1 naman sa Batanes, Batangas, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Calamian Islands, nalalabing bahagi ng Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, Aklan, Capiz, Antique kabilang ang Caluya Islands, Iloilo, Guimaras, northern portion ng Negros Occidental, northern portion ng Negros Oriental, northern at central portions ng Cebu kabilang ang Bantayan Islands at Camotes Islands, Bohol, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group.

Tinatayang lalakas pa ang Bagyong Kristine sa Severe Tropical Storm bago ito magland fall sa lalawigan ng Isabela mamayang gabi.

Pinapayuhan naman ang publiko na maging alerto lalo na sa mga malapit sa dagat, mga nasa mabababang lugar, at mga nasa landslide prone areas. Manatili ring tumutok sa mga updates sa lagay ng panahon.