--Ads--

Napanatili ng bagyong Leon ang lakas nito ngunit bumagal ang kilos habang kasalukuyang nasa silangang karagatan ng bansa

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 705 km silangan ng Echague, Isabela.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 km/h at may pagbugsong aabot sa 125 km/h. Mabagal na kumikilos ang bagyo pakanluran.

Nakasailalim sa signal no. 1 ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Bakun, Kibungan, Atok, Bokod, Mankayan, Buguias, Kabayan), Ilocos Norte, Ilocos Sur, Aurora, northern portion ng Quezon maging ang Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real), Camarines Norte, eastern portion ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay), Catanduanes, eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito), at northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat)

--Ads--

Signal no. 1 din ang eastern portion ng Northern Samar (San Roque, Pambujan, Catubig, Laoang, Palapag, Gamay, Lapinig, Mapanas, Mondragon) at northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)

Batay sa forecast track ng PAGASA, kikilos pa west northwestward ang bagyong Leon ngayong gabi hanggang bukas ng hapon at liliko pa northwestward hanggang maglandfall sa eastern coast ng Taiwan. Muli itong liliko pa northward at tutumbukin naman ang East China Sea at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa araw ng Byernes ng umaga o hapon.

Bagamat may posibilidad ng westward shift sa direksyon ng bagyo ay hindi naman inaasahan ang paglapit o paglandfall nito sa Batanes.

Inaasahan naman ang rapid intensification ng bagyo sa pagdaan nito sa Philippine Sea at maabot ang super typhoon category sa closest approach nito sa Batanes.