--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagya pang lumakas ang bagyong Marce habang kumikilos pakanluran hilagangkanluran.

Huling namataan ang Tropical Storm Marce sa layong 775 km silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 km/h.

Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagangkanluran sa bilis na 35 km/h.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ramil Tuppil, Chief Meteorologist ng DOST PAGASA Echague, Isabela, sinabi niya na ngayong araw o bukas posibleng magpaulan na ang trough ng bagyong Marce sa Extreme Northern Luzon at sa silangang bahagi ng Luzon.

Bukas posibleng ibabala ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa ilang bahagi ng lalawigan ng Cagayan. Posible namang umabot sa Wind Signal No. 4 ang ibabala sa mga susunod na araw.

Tinataya namang lumakas sa Typhoon Category ang bagyo bukas ng gabi o Miyerkules ng umaga.

Kung hindi magbabago ang forecast ng PAGASA, posible itong maglandfall sa Babuyan Islands o Mainland Cagayan sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga. Gayunman, posible pang magbago ang direksyon at lakas ng bagyo.