--Ads--

Lumakas pa ang bagyong Marce sa pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility  at isa na ngayong tropical storm.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 935 km silangan ng Eastern Visayas.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80km/h. Kumikilos ito pa-Northwestward sa bilis na 25km/h.

Magpapatuloy ang northwestward na direksyon nito sa PAR ngayong araw. Hindi ito magbabago ng direksyon hanggang bukas, araw ng Martes at saka lamang babagal at liliko pa northward sa Myerkules.

--Ads--

Mula Myerkules, magpapatuloy ito sa pa-northward na direksyon sa paglapit nito sa Extreme Northern Luzon o mainland Luzon.

Bagamat malayo pa sa bansa ang bagyo ay nakakaapekto na ang trough o kaulapang nahahatak nito sa Eastern section ng Luzon.

Bagamat nagpapatuloy ang epekto ng northeasterly windflow sa seaboards ng Northern Luzon, asahan na ang mas malalakas na alon sa karagatan simula sa Martes kaya maaring maglabas ng Gale Warning ang PAGASA.

Habang nasa karagatan pa ang bagyo, ang mga forecast na ito ay maari pang magbago dipende sa mga weather systems na makakaapekto sa bagyo sa pagdaan ng mga araw kaya manatiling nakaantabay para sa mga updates.