--Ads--

Patuloy ang paghina ng bagyong Marce at sa ngayon ay nasa karagatan na sa kanluran ng Ilocos Norte.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Pasuquin Ilocos Norte.

May taglay ito na lakas ng hangin na 155km/h at pagbugso ng hanggang 215 km/h. Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10km/h.

Sa ngayon nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal(TCWS) No. 4 sa Ilocos Norte, northernmost portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao), northern portion ng Abra (Danglas, Lagayan, Tineg), northwestern portion ng Apayao (Calanasan), at northwestern portion ng mainland Cagayan (Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)

--Ads--

Signal No. 3 naman sa southern at western portion ng Babuyan Islands (Fuga Is., Dalupiri Is., Calayan Is., Camiguin Is.), northern at western portion ng Cagayan (Piat, Santo Niño, Rizal, Aparri, Lasam, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Allacapan, Pamplona, Abulug, Ballesteros), natitirang bahagi ng Apayao, central portion ng Abra (Lacub, San Juan, La Paz, Bangued, Langiden, San Quintin, Pidigan, Malibcong, Peñarrubia, Bucay, Licuan-Baay, Lagangilang, Dolores, Tayum, Sallapadan, San Isidro), at northern portion ng Ilocos Sur.

Signal No. 2 naman sa southern portion ng Batanes (Mahatao, Uyugan, Basco, Ivana, Sabtang), natitirang bahagi ng Babuyan Islands, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, northern at western portion ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Mallig, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Cabatuan), natitirang bahagi ng Abra, Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugao, northern portion ng Benguet, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, at northern portion ng La Union.

Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Batanes, natitirang bahagi ng La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Ifugao, natitirang bahagi ng Benguet, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), northern portion ng Nueva Ecija at northern portion ng Zambales.

Batay sa forecast track ng DOST-PAGASA kikilos ang bagyong Marce pakanluran at lalabas sa West Philippine Sea ngayong umaga.

Nagpapatuloy ang masungit na lagay ng panahon sa mga lugar na nakasailalim sa storm signals kaya maging maingat ang lahat lalo na ang mga malapit sa coastal areas dahil sa banta ng storm surge.

Sa pagdaan ng bagyo sa landmass inaasahan na ang paghina nito at hindi na inaasahan ang paglakas nito bilang super typhoon. Nakakaapekto kasi sa sirkulasyon nito ang dry air intrusion na dulot naman ng northeasterly windflow.