Patuloy ang paglapit ng bagyong Marce sa Northern mainland Cagayan-Babuyan Islands area.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 260km silangan ng Aparri Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185km/h. Mabagal naman ang kilos nito pahilagang-kanluran.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 3 sa northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Allacapan, Gattaran, Lasam, Ballesteros, Baggao, Alcala, Santo Niño, Rizal, Abulug, Pamplona), southern portion ng Babuyan Islands (Fuga Is., Camiguin Is.), at eastern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol)
Signal no. 2 naman sa Batanes, natitirang bahagi ng Babuyan Islands, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, northern portion ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino), natitirang bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Narvacan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio)
Signal no. 1 naman ang natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, northwestern portion ng Pangasinan (Bani, Bolinao, Anda, City of Alaminos, Agno, Sual), Mountain Province, Ifugao, Benguet, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
Ngayong gabi magpapatuloy ang northwestward na direksyon ng bagyo sa silangan ng Cagayan bago ito gradwal na bibilis pakanluran bukas hanggang sabado sa bahagi ng Babuyan Channel. Inaasahan ang paglandfall ng bagyong Marce sa Babuyan Islands at dadaan sa northern portion ng mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao o maaring mas malapit sa nasabing mga lugar bukas ng hapon o umaga ng byernes. Lalabas naman ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marce sa byernes ng gabi.
Maliban sa epekto ng landmass sa sirkulasyon ng bagyo ay mas hihina pa ito dahil sa nagpapatuloy na surge ng northeasterly wind flow.