CAUAYAN CITY – Isinagawa kahapon ang pre-disaster risk assessment at tinalakay ang mga kailangang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Mawar.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Roldan Esdicul na bukod sa pagtatali ng mga bubong ng mga bahay ay nag-preposition sila ng mga family food packs sa bawat bayan sa Batanes.
Ipatutupad lamang nila ang preemptive evacuation kung ramdam na ang epekto ng bagyo ngunit sa ngayon ay wala pa itong epekto sa Batanes.
Tiniyak ni Ginoong Esdicul na handa ang mga evacuation center na tutuluyan ng mga mamamayan sakaling matindi ang epekto ng bagyo
May anim na libong family food pack na ang naka-preposition sa mga munisipyo at mayroon pang darating ngayong araw.
Nakahanda rin ang kanilang mga heavy equipment para madaling matugon kung kinakailangan.