--Ads--

Tumama na sa kalupaan ng Casiguran, Aurora ang Tropical Depression Mirasol ngayong Miyerkules ng umaga, ayon sa pinakahuling bulletin ng PAGASA.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa pagitan ng Baler at Daet sa Aurora Province. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 90 km/h. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 km/h.

Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind signal number 1 sa Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Cordillera Region kabilang ang Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at ilang bahagi ng Benguet, Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis) at Polillo Islands

Samanatala, aasahan na ang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Isabela dahil sa Orange Rainfall warning mula sa State Weather Bureau.

--Ads--

Pinapayuhan ang mga residente sa apektadong lugar na maging mapagmatyag sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking bahagi. Pinapayuhan din ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa katamtaman hanggang maalon na kondisyon ng karagatan.