Ganap nang naging Tropical Depression ang Low Pressure Area sa silangan ng Quezon Province at pinangalanang Bagyong Mirasol, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.
Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa layong 210 km Silangan-Hilagang Silangan ng Infanta, Quezon. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h.
May taglay itong lakas ng hangin na umaabot sa 55 km/h malapit sa gitna, at bugso ng hangin na hanggang 70 km/h.
Posibleng maglandfall o lalapit sa lalawigan ng Isabela o Aurora ang nasabing bagyo bukas ng umaga.
Nakataas na sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang Batanes, Cagayan kabilang ang mga Isla ng Babuyan, Isabela, Quirino, hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Diadi, Quezon, Kasibu, Dupax del Norte, Bambang, Ambaguio, Bayombong, Solano, Villaverde, Bagabag), hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler), Apayao, Kalinga, Abra, Lalawigang Bulubundukin, Ifugao, Ilocos Norte, mga Isla ng Polillo, hilagang bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Talisay, Daet, Mercedes), hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Siruma, Tinambac, Goa, San Jose), at Catanduanes.










