--Ads--

Lumakas pa bilang tropical storm ang LPA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility pangunahin sa silangan ng Southeastern Luzon.

Ito ay may international name na bagyong Pulasan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80km/h. Kumikilos ito pa hilaga hilagang silangan sa bilis na 20km/h.

Base sa forecast track ng weather bureau, posibleng pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng gabi at lalabas din ng PAR sa myerkules ng umaga.

--Ads--

Hindi naman inaasahang lalakas o mag-intensify ang bagyo sa forecast period dahil apektado ang sirkulasyon nito ng LPA na nasa loob ng PAR.

Samantala, binabantayan din ang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility na huling namataan sa layong 375 km East Northeast ng Casiguran, Aurora o 400 km silangan Tuguegarao City, Cagayan.

Patuloy naman ang pag-iral ng Habagat na hinahatak ng low pressure area na nagpapaulan sa Metro Manila, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Caraga, Northern Mindanao, natitirang bahagi ng Luzon at Visayas.