--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pananalasa ng Typhoon Nika sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ramil Tuppil, Chief Meteorologist ng DOST PAGASA, kaninang alas diyes ng umaga ay nasa bahagi na ng San Agustin, Isabela ang sentro ng bagyo. Taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 130 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 km/h.

Kimukilos ito sa bilis na 25 km/h pahilagang kanluran.

Nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 4 sa Dilasag at Casiguran, Aurora, ang central at southern portions ng Isabela partikular sa bayan ng Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Roxas, Burgos, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, Gamu, San Manuel, Aurora, San Mateo, Cabatuan, Alicia, Luna, City of Cauayan, Angadanan, Quezon, Mallig, Quirino, Ilagan City, Delfin Albano, at San Agustin, ang lalawigan ng Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugao partikular sa bayan ng Aguinaldo, Mayoyao, Alfonso Lista, Banaue, Hungduan, Hingyon, at Lagawe, ang central at southern portion ng Abra at northern at central portions ng Ilocos Sur.

--Ads--

Signal Number 3 sa Dinalungan, Aurora, ang northern portion ng Quirino partikular sa Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, at Maddela, northeastern portion ng Nueva Vizcaya partikular sa Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, at Bayombong, nalalabing bahagi ng Isabela, southwestern portion ng Cagayan partikular sa Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City, Rizal, at Piat, southern portion ng Apayao partikular sa Conner, at Kabugao, nalalabing bahagi ng Abra, nalalabing bahagi ng Ifugao, northern portion ng Benguet, southern portion ng Ilocos Norte at nalalabing bahagi ng Ilocos Sur.

Signal Number 2 naman sa northwestern at eastern portions ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Quirino, nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, La Union, northeastern portion ng Pangasinan, at ang northern portion ng Nueva Ecija.

Signal Number 1 naman sa Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Pangasinan, nalalabing bahagi ng Aurora, nalalabing bahagi ng Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Tarlac, northern at central portions ng Zambales, Metro Manila, Rizal, eastern portion ng Laguna, northern at eastern portions ng Quezon kabilang ang Pollilo Islands.

Mula sa Isabela ay tatawid ang bagyo sa mga lalawigan sa Cordillera at posibleng nasa karagatan na ito ng Ilocos Sur mamayang hapon o gabi. Dahil sa pagtama nito sa lupa ay posible ang bahagyang paghina ng Bagyo sa Severe Tropical Storm.

Patuloy naman ang paalala sa publiko na maging maingat at magtungo sa mga ligtas na lugar.