Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Opong na huling namataan 645km West ng Sangley Pt, Cavite City, Cavite.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 120km/h at pagbugsong aabot ng 150/km bawat oras habang kumikilos pa-west northwestward sa bilis na 35km/h.
Dahil nakalabas na ito ng PAR ay wala nang nakataas na tropical cyclone wind signal sa alimang bahagi ng bansa.
Gayunman, asahan pa rin ang malalakas na hangin pangunahin na sa mga coastal at upland areas ng Luzon, Western Visayas, at Negros Occidental.
Batay sa track and intensity outlook ng bagyong Opong na may international name na “Bualoi”, patuloy itong kikilos pa kanluran hilagang-kanluran kung saan inaasahan itong mas lalakas bago makarating sa bahagi ng Northern Vietnam.











