--Ads--

Patuloy ang paglakas ng Bagyong Opong habang ito ay gumagalaw sa direksyong pakanluran-hilagang kanluran sa Philippine Sea. Ang sentro ng mata ng bagyo ay tinatayang nasa 440 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Kasalukuyang gumagalaw ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong kanluran-hilagang kanluran.

Ang bagyo ay may maximum sustained winds na 110km/h malapit sa gitna at may mga pagbugso ng hangin na umaabot hanggang 135m/h.

Nakasailalim na sa Signal No. 2 ang Catanduanes, at mga timog na bahagi ng Albay kabilang ang Santo Domingo, Legazpi City, Camalig, Rapu-Rapu, Bacacay, Daraga, Jovellar, at Manito. Kasama rin dito ang buong lalawigan ng Sorsogon. Sa Visayas naman, Signal No. 2 ang Hilagang Samar, hilaga at gitnang bahagi ng Eastern Samar, pati na rin ang hilaga at gitnang bahagi ng Samar.

Para sa Signal No. 1 naman, kabilang dito ang natitirang bahagi ng Albay, Masbate kasama ang Ticao Island at Burias Island, Camarines Sur, Camarines Norte, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands.

--Ads--

Nasa ilalim din ng Signal No. 1 din ang Quezon kasama ang Polillo Islands, Rizal, Laguna, Batangas, Cavite, Aurora, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Zambales, at Bataan.

Kasama rin ang gitna at timog bahagi ng Isabela pangunahin ang (Alicia, San Mateo, Aurora, Ramon, Naguilian, Dinapigue, San Guillermo, Luna, City of Cauayan, Echague, Angadanan, Benito Soliven, City of Santiago, Reina Mercedes, San Agustin, San Manuel, Cabatuan, Gamu, San Isidro, Cordon, Jones, Burgos, San Mariano, Palanan), pati na ang Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, at timog-kanlurang bahagi ng Mountain Province. Nasa ilalim din ng Signal No. 1 ang Benguet, timog na bahagi ng Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.

Sa Visayas naman, kabilang dito ang natitirang bahagi ng Eastern Samar at Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at hilagang bahagi ng Cebu kasama ang Camotes Islands at Bantayan Islands. Kasama rin ang hilagang bahagi ng Negros Occidental, hilagang bahagi ng Iloilo, Capiz, Aklan, at hilaga at gitnang bahagi ng Antique kasama ang Caluya Islands at Calamian Islands. Sa Mindanao, nasa Signal No. 1 ang Siargao Island, Bucas Grande Island, at Dinagat Island.

Pinapayuhan ang publiko na maghanda dahil posibleng makaranas pa rin ng malakas na ulan, matitinding hangin, at storm surge sa mga lugar na hindi direktang madaanan ng bagyo o wala sa forecast confidence cone. Mahalaga ring sundan ang mga naka-hoist na wind signals upang malaman ang eksaktong panganib ng hangin sa kani-kanilang lugar.

Ayon sa forecast, magpapatuloy si Opong sa paggalaw papuntang kanluran-hilagang kanluran habang papalapit ito sa rehiyon ng Eastern Visayas hanggang Southern Luzon. Inaasahang tatama si Opong sa Bicol Region bukas, 26 Setyembre, sa hapon o gabi, at tatawid ito sa Timog Luzon sa darating na Biyernes. Pagkatapos nito, magpapatuloy ang bagyo papuntang kanluran-hilagang kanluran sa West Philippine Sea at inaasahang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado, 27 Setyembre, hapon o gabi.

Patuloy na lalakas si Opong habang nasa Philippine Sea at maaring umabot ito sa antas ng Typhoon bago tumama sa Bicol Region. Hihina ang bagyo habang tatawid sa Pilipinas, ngunit inaasahang mananatili itong nasa antas ng bagyo o severe tropical storm. Malaki rin ang posibilidad na muling lumakas si Opong kapag nakalabas na ito sa West Philippine Sea.