Bahagyang lumakas ang bagyong Paolo habang patuloy itong kumikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran .
Ang sentro ng Bagyong Paolo ay tinatayang nasa layong 575 km silangan ng Infanta, Quezon.Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na 90 km/h
Kumikilos ito sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Nakataas na ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 sa Southeastern Isabela kasama ang San Mariano, Dinapigue, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, Benito Soliven, Angadanan, Cauayan City, Naguilian, Northern Quirino kabilang ang Maddela, Northern Aurora kasama ang Dilasag, Casiguran, Dinalungan
Tropical Cyclone Wind Signal number 1 naman sa Mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya
Cordillera Administrative Region: Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet
Ilocos Region: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Northern Zambales (Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz), Tarlac, Nueva Ecija, Northern Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso), Northern Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba, Mabalacat City), Aurora, Northern Quezon (kasama ang Polillo Islands): General Nakar, Northern Catanduanes: Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga
Pinapayuhan ang mga nasa apektadong lugar na maghanda para sa posibleng epekto ng malalakas na hangin at pag-ulan.











