--Ads--

Patuloy na lumalakas ang Severe Tropical Storm Paolo habang ito ay kumikilos papalapit sa mga lalawigan ng Hilagang Aurora at Timog Isabela.

Ang sentro ng Bagyong PAOLO ay tinatayang nasa layong 150 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora.

Ang bagyo ay may maximum sustained winds na 100km/h malapit sa gitna, at may bugso ng hangin na umaabot sa 125km/h.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20km/h.

--Ads--

Sa kasalukuyan nakataas na ang Tropical Cyclone wind signal no. 3 sa mga sumusunod na lugar:

Sa Luzon, Signal no. 3 ang:

Hilagang bahagi ng Aurora: Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Gitna at timog bahagi ng Isabela: Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, Cordon, Lungsod ng Santiago, Ramon, San Isidro, Alicia, Angadanan, Lungsod ng Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Luna, Reina Mercedes, Cabatuan, San Mateo, Aurora, San Manuel, Burgos, Gamu, Roxas, Palanan, Hilagang bahagi ng Quirino: Maddela, Cabarroguis, Aglipay, Saguday, Diffun, Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya: Diadi, Bagabag, Villaverde, Ambaguio, Quezon, Solano, Bayombong, Mountain Province, Ifugao, Timog-silangang bahagi ng Abra: Tubo, Hilagang bahagi ng Benguet: Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Atok, Kapangan, Gitna at timog bahagi ng Ilocos Sur: Sugpon, Alilem, Cervantes, Suyo,Tagudin, Santa Cruz, Sigay, Quirino, Gregorio del Pilar, Salcedo, Santa Lucia, Lungsod ng Candon, San Emilio, Galimuyod, Lidlidda, Banayoyo, Santiago, San Esteban, Burgos, Hilagang bahagi ng La Union: Sudipen, Santol, Balaoan, Luna, Bangar, San Gabriel, Bacnotan at San Juan.

Signal no. 2 naman ang mga sumusunod na lugar:

Gitna at timog bahagi ng mainland Cagayan: Peñablanca, Lungsod ng Tuguegarao, Enrile, Solana, Iguig, Tuao, Piat, Rizal, Santo Niño, Alcala, Amulung, Natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya, Gitnang bahagi ng Aurora: Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis, Hilagang bahagi ng Nueva Ecija: Carranglan, Bongabon, Lungsod ng San Jose, Pantabangan, Rizal, Lupao, Gitna at timog bahagi ng Apayao: Conner, Kabugao, Kalinga, natitirang bahagi ng Abra at Benguet, Gitna at timog bahagi ng Ilocos Norte: Nueva Era, Badoc, Pinili, Lungsod ng Batac, Paoay, Currimao, Banna, Lungsod ng Laoag, San Nicolas, Sarrat, Dingras, Solsona, Marcos, Bacarra, Piddig, Natitirang bahagi ng Ilocos Sur at La Union, Hilagang bahagi ng Pangasinan: San Fabian, Sison, Pozorrubio, Umingan, San Jacinto, Laoac, Binalonan, San Nicolas, Natividad, Tayug, San Manuel, Asingan, Santa Maria, San Quintin, Lungsod ng Dagupan, Mangaldan, Manaoag, Bolinao, Anda, Bani, Lungsod ng Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Binmaley, Calasiao, Mapandan, Santa Barbara, Lungsod ng Urdaneta.

Signal No. 1 naman ang:

Natitirang bahagi ng mainland Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Natitirang bahagi ng Aurora, Hilagang bahagi ng Quezon: General Nakar, Infanta (kasama ang Polillo Islands) Camarines Norte, Hilagang bahagi ng Camarines Sur: Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Goa, San Jose, Presentacion, Catanduanes, Natitirang bahagi ng Apayao, Ilocos Norte, Pangasinan, at Nueva Ecija, Hilagang bahagi ng Bulacan: Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso, Norzagaray, San Rafael, Tarlac, Hilagang-silangang bahagi ng Pampanga: Magalang, Arayat, Candaba, Lungsod ng Mabalacat, Hilagang bahagi ng Zambales: Palauig, Masinloc, Candelaria at Santa Cruz.

Ayon sa pinakahuling track forecast, si PAOLO ay kikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa mga susunod na oras.

Inaasahan na magla-landfall ito sa hilagang bahagi ng Aurora o sa timog bahagi ng Isabela ngayong umaga o tanghali.

Posibleng magkaroon ng karagdagang pagsalubong sa mas timog na bahagi depende sa galaw ng high pressure area sa hilaga ni PAOLO.

Matapos tumawid sa Hilagang Luzon, si PAOLO ay lalabas sa West Philippine Sea ngayong hapon o gabi, at magpapatuloy sa direksyon pa-kanluran hilagang-kanluran hanggang sa lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga, Oktubre 4.

Inaasahang magpapatuloy ang pag-intensify ni PAOLO habang nasa Philippine Sea.

Bagaman hindi tiyak, hindi isinasantabi ang posibilidad na maging ganap na typhoon bago ito tumama sa lupa.

Mas mataas ang tsansa nitong maging typhoon pagkalabas nito sa West Philippine Sea.