Tuluyan ng nakapasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang Bagyong NAKRI na ngayon ay tinawag ng Bagyong Quedan.
Batay sa State Weather Bureau bahagyang lumakas si Quedan habang papalapit sa bansa.
Huli itong namataan sa layong 1,415 km East Northeast of Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h malapit sa git at pagbugso na 90 km/h.
Kumikilos ito sa direksyong North northwestward sa bilis na 25 km/h.
Sa ngayon wala pang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa gayunman inaasahang mabilis ang pagkilos ni Quedan at lalabas ito sa PAR mamayang gabi o bukas.
Samantala, may isa pang Low Pressure Area (LPA 10c) na binabantayan sa loob ng PAR, ngunit ito ay may mababang tiyansa na maging isang Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.











