Humina na ang Tropical Depression Salome habang ito ay patuloy na kumikilos patungong timog-kanluran sa may Luzon Strait, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.
HUling namataan ang bagyo sa layong 85 km timog-kanluran ng Basco, Batanes, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 75 km/h
Kumikilos ang bagyo patungong timog-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes, Hilagang at kanlurang bahagi ng Babuyan Islands (Calayan, Dalupiri, at Babuyan Islands), Hilagang-kanlurang bahagi ng Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City)
Pinapayuhan ang mga residente sa mga lugar na apektado na manatiling alerto sa mga posibleng pag-ulan at pagtaas ng alon, lalo na sa mga baybaying lugar.











