Bahagyang lumakas ang Typhoon Tino habang papalayo sa hilagang bahagi ng Palawan.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 190km West ng Coron, Palawan habang kumikilos pa-west northwetward sa bilis na 20 km/h.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 130km/h at pagbugsong aabot ng 180km kada oras.
Sa ngayon ay nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 4 sa Northern Portion ng Palawan partikular sa bahagi ng El Nido.
Signal Number 3 sa San Vicente at Taytay Palawan maging sa bahagi ng Calamian Islands.
Nakataas naman ang signal number 2 sa eastern at central portions ng Palawan (Puerto Princesa City, Roxas, Dumaran, Araceli) kabilang ang Kalayaan Islands.
Habang signal number 1 naman sa Occidental Mindoro including Lubang Islands, southern portion ng Oriental Mindoro (Bongabong, Roxas, Bulalacao, Mansalay), at ang southern portion ng Palawan (Aborlan, Quezon, Narra, Sofronio Española) including Cuyo Islands.
Batay sa forecast track ng bagyong Tino, patuloy itong kikilos pa-west northwestward hanggang sa makalabas ito ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o bukas ng madaling araw (Nobyembre 5).
Sa susunod na 12 oras ay muling lalakas ang naturang bagyo habang nasa bahagi na ng West Philippine Sea.
Samantala, patuloy namang binabantayan ng state weather bureau ang isa pang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility na kapag pumasok ng PAR ay tatawaging “Uwan.”
Posibleng magkaroon ng rapid intensification o mabilisang paglakas ang naturang bagyo kung saan posible na nitong maabot ang typhoon category bago pa man pumasok ng PAR.
Kapag nakapasok na ito ng PAR ay pwede pa itong lumakas bilang isang super typhoon.











