--Ads--

Patuloy sa mabilis na pag-intensify ang bagyong “Uwan” (Fung-Wong) habang papalapit ito sa Philippine Sea, silangan ng Bicol Region.

Ayon sa pinakahuling Tropical Cyclone Bulletin No. 5 ng PAGASA, bandang alas-4 ng hapon ngayong Nobyembre 8, 2025, ang mata ng bagyo ay nasa 575 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar, at may maximum sustained winds na 150 km/h, may kasamang bugso ng hangin na umaabot sa 185 km/h.


Si “Uwan” ay kasalukuyang gumagalaw pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h. Malawak ang saklaw ng bagyo, na umaabot ng hanggang 800 km mula sa gitna ng mata.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 3 sa silangang bahagi ng Catanduanes, Bicol (Camarines Sur, Albay, Sorsogon) at hilagang-silangan ng Northern Samar.

--Ads--

Signal number 2 sa malaking bahagi ng Luzon, hilagang Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao.

Signal number 1 sa mga lugar gaya ng Batanes, Cagayan, Cordillera, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Maaaring maranasan ang pinakamataas na Wind Signal No. 5 habang dumadaan ang bagyo.

Mataas ang posibilidad ng malalakas na pag-ulan at pagbaha sa maraming lugar.

May banta ng panganib sa buhay at ari-arian sa mga mabababang baybaying lugar ng Batanes, Cagayan, Isabela, Ilocos Norte at Sur, Metro Manila, Bicol, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao.

Mataas hanggang napakataas na alon sa ilang baybaying dagat sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ipinapayo ng PAGASA na huwag maglayag at manatili sa ligtas na lugar.


Inaasahan na maaaring dumaan ang mata ng bagyo malapit sa Catanduanes bukas ng umaga, at posibleng tumama sa southern Isabela o northern Aurora sa gabi ng Nobyembre 9 o madaling araw ng Nobyembre 10. May posibilidad ding direktang tama sa Catanduanes.

Pagkatapos ng landfall, tatawid ang bagyo sa kabundukan ng Northern Luzon bago muling lumabas sa karagatan ng Lingayen Gulf o baybayin ng Pangasinan o La Union.