--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasunog ang bahagi ng Cauayan City Hall building partikular sa 4th floor kung nasaan ang Human Resource Office Extention.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Rescue Command Center napag-alamaan na agad silang pinuntahan ng mga Guard on duty para ipaalam ang sunog kaya agad silang nakipag ugnayan sa Bureau of Fire Protection Cauayan.

Pasado 1:42 ng umaga ng matanggap ng BFP Cauayan ang tawag kaya agad silang rumesponde sa lugar , itinaas sa alert level 1 ang sunog, kinailangan nilang basagin ang salamin para maapula ang apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang mga papeles at mga dokumento ang nasunog.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO2 Trinidad Arroyo ng BFP Cauayan sinabi niya na  naging katuwang nila ang Rescue 922 at Chinese Chamber fire volunteer sa pag apula ng sunog sa City Hall.

Aniya, bagamat lumakas ng apoy ng mabasag ang salamin sa 4th floor ay agad din itong naapula pasado 2:03 ng umaga.

Sa ngayon ay gumugulong ang imbestigasyon kung ano ang naging sanhi ng sunog.